UP Survey
Maligayang ika-100 taon, mga Iskolar ng Bayan!
1. Student number?
89-40648. Teka lang...
2. College?
UPLB College of Arts and Sciences.
3. Ano ang course mo?
Communication Arts po. Yun pung walang Math saka maraming dung chicks.
4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
Ang galing mo! Paano mong nahulaan? Nag-shift. Dati po kasi akong Sociology. Alang chicks don. Saka, ang baho ng banyo nila.
5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
Sa Physci BLDG. Kung saan din ako nag NATSCI.
6. Favorite GE subject?
Wala. Pangit silang lahat.
7. Favorite PE?
PE 1 na Folk Dancing. Hazel Laigo baby!
8. Saan ka nag-aabang ng hot guy sa UP?
Di ko type mga lalake. Pero marami sa may Ladies Dorm sa likod ng La Ville. Sobrang hot na mga lalake doon.
9. Favorite prof(s)
TMTM. Although si Dulcinea Laforteza ay special mention dahil cute sya.
10. Pinaka-ayaw na GE subject.
Math 11. Tulog ako half the time.
11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
CMT lang kapag sabado. Sa graduation namin, ako ay natuwa nung tinamaan sa mukha si Poodle ng hay infusion.
12. Nakapag-field trip ka ba?
Dehins. Strict ang parents ko.
13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
Oo, isang beses lang. College Scholar nung 1st Semester. Tapos, minalas na.
14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
Canasta Society. Lapitin!
15. Saan ka tumatambay palagi?
Humanities Bldg.
16. Dorm, Boarding house, o Bahay?
Bahay. Malapit lang bahay namin sa UPLB.
17. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun? (Given ang mentality mo nung HS ka)
Architecture.
18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Rural po ako. UP na ako simulang nagkamalay ako. So lahat sila kilala ko na.
19. First play na napanood mo sa UP?
Ha? Pasok ba ang Playfest?
20. Name the 5 most conyo orgs in UP
Haller. Teka, Ranchers? Kebs.
21. Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
Lang kwenta namang tanong to.
22. May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Meron. Secret.
23. Saan ka madalas mag-lunch?
Sa bahay. Ang kulit mo ha.
24. Masaya ba sa UP?
Oo naman. Libre pa parking noon e.
25. Nakasama ka na ba sa rally?
Oo din. Ah, hindi pala.
26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council
Tatlong beses siguro.
27. Name at least 5 leftist groups in UP
Student Christian Movement, League of Filipino Students, Akbayan, PISTON, GABRIELA, UPLB Perspective. YES!
28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Bakit, pinangarap mo? Sira ka pala e.
29. Kanino ka pinaka-patay sa UP?
Ay, incriminating yan. Pass ako.
30. Kung di ka UP, anong school ka?
Wala. UP or bust. Bakit pa ako pupunta sa iba? Isang entrance exam lang kinuha ko, men!




Comments
Ikaw lang ba ang gumawa nito?
I-post ko sa UPCVM93groups at sa MR87 itong survey mo ha...salamat
I was bored today, so ended up googling my name and then came to this blog...
There's some connection between me and your PE1... naintriga tuloy ako. Nag folk dance ba ako? hehe, can't remember that far back! Maybe I stepped on your toes?
So student number 89-40648, hu r u pls?
Mahal ko rin UPLB,
91-04657