Diet May Anak Na (Pala)
Kainis! Sobrang huli na ako sa balita na may anak si Diether Ocampo sa isang non-showbiz coed. Aba, uso pa palang tawagin ang isang babaeng magaaral na "co-ed"! Pero ang malupit dyan ay, ayon sa tsene, e tanggap daw ni Kristine Hermosa na may anak sa iba ang kanyang BF! Lupit! Kung ako yon, di lang warla, sulian nang kandila!
Pero mas nagulat ako na ama na pala si Tonton Gutierrez sa isang "baby girl" sa asawa nyang (dapat linawin na asawa, ahem) si Glydel Mercado (na nakita ko na na ubod nang laki ang mga mata). Ang pangalan daw ay "Aneeza", na pinagsamang pangalan ng dalawang magulang. Diba dapat "Tondel" o kaya ay "Glyton"? Ang gulo!




Comments
uhhh...naligaw yata ako ng blog...
enggg? happy? yooohhoooo? malapit na bday ni wowie...
hindi lang si diet,kung hindi si Piolo at si Jericho.
Sandali nasa Entertainment section ba ako ng Philstar?
The Ca t
What ever happen to the usage of condoms and birth control? I guess these guys don't believe in such things.